Una sa Balita

Basurero namatay sa sobrang init

0 145

DAHIL sa sobrang init, nasawi matapos na atakihin ang isang ma-ngangalakal na biglang nawalan ng malay habang nangangalakal ng basura kamakalawa nang gabi sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala lamang ang biktima sa alyas na ‘Konyat’, tinatayang nasa 45-50-anyos, at walang permanenteng tahanan.

Ayon sa Manila Police District – Police Station 4 (MPD-PS-4), dakong alas-sais nang gabi nang masawi ang biktima sa España Boulevard, kanto ng Metrica Street, sa Sampaloc.

Isang concerned citi-zen ang huling nakaki-tang buhay sa biktima dakong alas-5:30 nang hapon habang nagu-nguha ng mga mapapaki-nabang basura sa lugar nang bigla na lang umano itong mahilo dala marahil ng sobrang pagod at matinding init ng panahon.

Nabatid na ipinasiya ng biktima na pansamantalang mamahi-nga sa naturang lugar, ngunit pagsapit ng alas-sais nang gabi ay napuna na lamang ng mga tao sa lugar na patay na ito kaya kaagad na inireport kay Barangay Se-cretary Clara Freires ng Brgy. 502.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Archangel Funeral Homes para sa kaukulang awtopsiya at safekeeping. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy