Una sa Balita

Basurero hinampas ng bote sa ulo, tigok sa Baguio

By
0 99
 
 
PATAY ang isang mangangalakal na lalaki matapos paghahampasin ng bote sa ulo habang natutulog sa gilid ng kalsada sa Baguio City noong Linggo.
 
Kinilala ang biktima na si Romeo Villanueva, 29, walang permanenteng tirahan.
Samantala, ang suspek na si Garnet Rossette Rufino, 22, tubong Candon City, Ilocos Sur, ng Honeymoon Road Baguio City ay nakakulong na sa Baguio City Police Office (BCPO) jail.
 
Base sa report, kasalukuyang natutulog ang biktima sa gilid ng Shanum St. ng nasabing lungsod nang lapitan ni Rufino.
 
Sinabi ng BCPO, ayon sa mga saksi, kumuha ng bote sa mga kalakal ng biktima at walang sabi-sabi na pinagpapalo ng suspek si Villanueva sa ulo.
Agad na isinugod ang biktima sa ospital ngunit dead on arrival ayon sa mga doctor.
 
Tinitingnan kung nasa implu­wensiya ng ipinagbabawal na gamot o nakainom ng alak ang suspek at inaalam ang motibo ng pagpatay sa biktima.