Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Basurero couple niregaluhan ng prenup photo shoot

0 115

Naghatid ng kilig effect sa mga netizen ang nakakaaliw na prenup photo shoot na may pamagat na ‘Sa hirap at ginhawa’ ng mag-asawang mangangalakal na nag-viral sa social media.

Sa tulong ng isang grupo ng vlogger at stylist na si Richard Atrandz nabigyan ng pagkakataon sina Rommel Basco at Rosalyn Ferrer na magkaroon ng prenup photo shoot at intimate wedding.

Nakita umano ni Atrands ang pagsisikap ng magka-live in sa kanilang araw-araw na pangangalakal kaya naisip niya ang konsepto. Game na game ang mag-live in partner na sina Rommel Basco at Rosalyn Ferrer na binigyang ng isang studio ng isang prenup photo shoot ang kanilang damit pangkasal.

Si Rosalyn ay nakasuot ng trahe de boda at si Rommel naman ay tuxedo at game na nag-pose sa mga kalye.

Nalaman na sa kabila ng 24 taon ng nagsasama at biniyayaan ng 6 na supling, hindi pa pala kasal ang dalawa.

Susunod na umanong paghahandaan ng grupo ng vlogger ay ang aktwal na intimate wedding na handog nila sa dalawa nang libre.

Ilang netizen naman na nakapanood ng video ang nagkomento na ang storya nina Basco at Gerrer ay nagpapakita ng tunay na pagmamahalan ng dalawang magsing-irog. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.