Una sa Balita

Basurang nakatambak sa MICT ibabalik ng barko sa SoKor

By
0 412

TINIYAK ng EcoWaste Coalition na kanilang babantayan ang pagsasakay sa cargo vessel ng mga imported na basu­rang galing South Korea para masiguro na walang maiiwan sa bansa.

Sa Linggo, Enero 13 na ibabalik sa South Korea ang mga basura na kasalukuyang nakaimbak sa Mindanao International Container Terminal (MICT) sa Tagoloan, Misamis Oriental, ayon sa environmental group.

Sinabi ni EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero na batay sa kumpirmas­yon ni MICT Port Collector John Simon, Enero 13 aalisin ang mga basura sa nasabing port.

Enero 12 aniya dara­ting sa Cagayan de Oro ang barko ng Maersk Shipping Lines at agad din nilang ikakarga ang mga basura at alas-nuwebe nang umaga ng Ene­ro 13 ito aalis.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy