Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Basura palit bigas, gulay sa QC

0 94

Nilunsad ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang plastic waste trading program sa pamamagitan ng Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMD).

Sa paraang ito, papalitan ng mga grocery item ang mga maiipong plastik na basura.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang kanilang inisyatibong trash to cashback ay naisagawa sa pakikipagtulungan ng Basic Environmental Systems and Technologies (BEST), kung saan ang mga trade recyclable ay may katumbas na environmental point (EP) at papalitan ng mga basic commodity gaya ng bigas, itlog at mga gulay.

“The program’s main objective is to promote to our QCitizens the importance of recycling and proper waste segregation. Kapag dinala nila sa ating Trash to Cashback kiosk ang kanilang recyclable materials, pwede nila itong ipalit sa grocery,” paliwanag ni Belmonte.

Aniya, ang My Basurero Eco-Community kiosk ay naka-set up na sa QC Hall Risen Garden kung saan ay maaaring magpapalit ng kanilang mga recyclable waste tulad ng plastic, papel, at metal, para sa mga nabanggit na basic commodity o grocery.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakatakda ring dalhin sa mga barangay sa lungsod ang trash to cashback upang mailapit sa mga residente, ayon sa alkalde.

Ang mga interesadong mangangalakal ay maaaring bumuo at magrehistro sa kanilang email sa BeepXTRA Philippines at BEST’s Cashback Loyalty Platform partner.

Maliban umano sa mga grocery, ang EP ay maaari ring gamitin sa bXTRA food delivery, kung saan ang kumpletong listahan ng partner store at establishment ay makikita sa pamamagitan ng bXTRA.com.ph at bXTRAoutlet.delivery.

Sinabi naman ni EPWMD head Andrea A. Villaroman, nakikipag-ugnayan na umano sila sa Small Business Cooperatives Development and Promotions Office sa lungsod para sa registration ng micro and small businesses bilang partner merchant ng bXTRA.

“If we have more partner merchants where residents can exchange their EPs, mas mahihikayat natin silang ipalit ang kanilang recyclable waste,” paliwanag pa ng EPWMD chief.

Ang nasabing programa ay bahagi rin ng kampanya ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na mabawasan ang mga basurang plastik, matapos na simulan ang implentasyon ng plastic bag ban nitong Marso 1, habang ipatutupad na ring ipagbawal ang paggamit ng mga single-use plastics at utensils simula sa July 1, 2021. (Dolly Cabreza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.