Una sa Balita

Basura ng South Korea sa Misamis, hirap hakutin

0 293

Dahil sa ilang buwang pagkakatambak ng mga basura sa isang barangay sa Tagoloan, Misamis Oriental, pahirapan ang pagkuha sa unang kargamento para maibalik sa South Korea sa susunod na linggo.

Ang nasabing mga basura ay mabilis na nabubulok dahil na rin sa pinag­lagakan na stock yard ng Verde Soko Phi­lippines Industrial Corporation na direktang tinatamaan ng araw at mala­kas na ulan simula nang dumating sa naturang lugar noong Hulyo 2018.

Sinabi ni Mindanao International Contai­ner Terminal (MICT) District Collector John Simon, hindi na agad magalaw ang mga basura dahil mahigit limang buwan na itong nakatambak sa pa­ngangalaga ng Verde Soko.

Kung kaya’t nanga­ngailangan ang gobyerno ng mas epektibong paraan upang maiwasan ang paglaganap ng mga mikrobyo mula sa mga basura sa paligid o sa mga residential area ng lalawigan, ayon pa sa Kolektor.

Nauna nang hu­mingi ng dalawang buwan ang may-ari ng kompanya na si Korean Charles Chiu upang mailagay sa ayos ang mga basura pabalik sa South
Korea.

Unang nagpunta ang apat na opisyal ng Environmental Management Bureau ng South Korea sa site ng mahigit 5,000 toneladang mga basura upang dokumentuhan at posibleng magamit sa kanilang imbestigasyon laban sa Verde Soko. (Mina Aquino)