Una sa Balita

Basura ng Canada noong 2013 anyare na?

0 303

KINALAMPAG ng isang senador ang Canada kaugnay sa ulat ng mga waste material na itinambak sa bansa noong taong 2013.

Ang apela ay ginawa ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel, matapos mapagkasunduan ng mga Pilipino at Korean authority na ibalik ngayong Ene­ro 9 sa South Korea ang tone-toneladang basura na itinambak sa bansa noong Hulyo 2018.

Ayon kay Pimentel, napako na ang ipinangakong resolba sa basura ng Prime Minister ng Canada noong Nobyembre ng taong 2017, sa kasagsagan ng 31st ASEAN Summit.

Hanggang sa ngayon,­ sinabi ni Pimentel na hindi na umaksyon ang Cana­da sa ipinangako nilang return of trash.

Kung kaya, hinikayat ni Pimentel ang gobyerno na magsagawa ng follow-up at update sa Canada upang madaling maaksiyunan ang mga itinambak na basura.

“As far as I’m aware, as of January 2018, the matter has yet to be resolved. The Canadian Prime Minister promised to resolve the matter when he went here for the 31st ASEAN Summit in November 2017. There’s been no follow through ever since. We need immediate and concrete action on this,” sabi ni Pimentel.

“We’re not someone else’s dumping ground. The Philippines should assert its dignity and co-equal standing as a sove­reign state in the community of nations. We should not be seen as a recipient, officially or unofficially, of waste material coming from other countries,” giit ng senador. (Anne Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy