Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Basura nagkalat sa Luneta

0 174

Napuno ng basura ang kapaligiran ng Rizal Park matapos na dagsain ng publiko kasunod ng pagdiriwang ng Bagong Taon noong sinundang araw.

Alas-5:00 ng madaling-araw nang magbukas ang Rizal Park. Bagama’t hindi kasing dami ng basura ang nakolekta noong wala pang pandemya ay maraming basura pa rin ang iniwan sa parke ng mga namasyal at nagdiwang ng Bagong Taon.

Kabilang sa mga nagkalat ang mga naiwang bote, plastik, tirang pagkain at face mask.

May ilang bahagi ng parke ang malinis na nang buksan ay ang paligid ng fountain at monumento ni Dr. Jose Rizal. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.