Una sa Balita

Basura na si Gabby, Sharon may bagong kinababaliwang boylet

By
0 3,466

Enough of Gabby Concepcion na nga! Nag-iba na nga ng atensiyon ang megastar Sharon Cuneta, na ikinatuwa ng kanyang mga fan.

Kumbaga, nauta, nagsawa, na rin kasi sila sa maya’t maya ay patutsada ng idolo nila kay Gabby, dahil sa hindi natuloy na pelikula nila. Bigla ngang nauwi sa wala ang maganda na sana nilang pagsasama, friendship, na nabuhay dahil sa commercial na ginawa nila.

At sino naman ang mapalad­ na lalaki na kinababaliwan ngayon ni Sharon?

“Mama’s new Korean actor crush! Gong Yoo! P.S. PERO WALANG PAPANTAY KAY @robinhoodpadilla !!! (Natakot hahaha!) (Pero baka gusto naman ni Gong Yoo triplets na kami sali siya samin ni Kambal? Ay huwag na lang. Baka maaga maglaho cute pa naman. Hahahaha!)” sey ni Sharon sa IG post niya ng picture ni Gong Yoo.

Si Gong Yoo ang bida sa pelikulang Train To Busan, at sa mga Koreanovela na The First Shop of Coffee Prince, at siyempre ang Goblin na ipinalabas sa ABS-CBN.

Si Gong Yoo rin ang crush na crush ni Anne Curtis. Katunayan, nagpunta pa si Anne sa Hong Kong, sumama kay Kuya Kim Atienza (na nag-interview kay Gong Yoo) para lang makita nang personal ang Koreano.

At si Sharon nga ang latest victim ni Gong Yoo. Agawan na sila ni Anne sa paghanga kay Gong Yoo. At sa last message niya (last dahil nagpaalam siya na magpapahinga muna sa social media, Instagram), nagawa pa rin niyang isingit ang pangalan ni Gong Yoo.

“Goodnight, everyone. Ma­tagal tayong di magkikita at magkakausap. Pero remember – mahal na mahal ko kayo. Please continue to pray for me. May God bless us all. Sweet dreams! (Goodnight GONGbinYOOd (paraparaan hahaha!) @robin­hoodpadilla Fistbump, MK!” sey ni Sharon sa last post niya.

Bakit nga ba magpapahinga si Sharon sa social media? May nagsabi ba sa kanya na itigil na muna ang pag-i-Instagram? Nakakasira nga ba sa image niya ang paglalantad niya ng mga nararamdaman niya?

“Hello from Davao! I love you guys. Am taking a break from Social Media for a while. I will be thinking of you and you will be in my heart everyday. I’ll be back! Working on something… you’ll be hearing­ about it soon for sure! And you’ll still be hearing from me every once in a while so don’t worry – we won’t miss each othe­r too much.

“Will be guesting on I Can See Your Voice soon, so I hope you can watch that too! And of course, your favorite YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR: KIDS will be with you real soon! Huwag din po sana papalampasin ang grand finals ng PILIPINAS GOT TALENT!!! God bless all of us, remember I love you all! Forever grateful.”

Well…