Una sa Balita

Bastos na dyowa ni teen actress napahiya kay female TV host

By
0 3,526

Sobrang turned off ang female TV host na ito sa non-showbiz boyfriend ng isang teen actress. Naging guest kasi si teen actress sa isang show kunsaan nakasabay niya ang female TV host.

Proud pa naman daw si teen ctress na ipakilala nito ang kanyang boyfriend sa lahat ng mga tao sa studio, kabilang na si female TV host. Nalokah lang si female TV host dahil noong ipakilala sa kanya ang boyfriend, hindi man lang daw ito tumayo bilang paggalang. Ang ginawa lang daw nito ay tiningnan si female TV host at tumango lang.

Ang ginawa ng female TV host ay siya ang tumayo at nag-extend ng kanyang kamay para batiin ang boyfriend ng teen actress. Pinakita lang niya kung paano maging magalang kapag pinapakilala ang isang tao.

Mukhang napahiya ang boyfriend kaya tumayo ito at nakikamay na. Sa sobrang hiya ni teen actress ay hindi na muna ito nagpakita sa female TV host at sinabihan ang boyfriend nito na umalis muna at balikan na lang siya pagkatapos ng taping.

Lumapit si teen actress kay female TV host after ng taping at nag-sorry ito sa inasal ng kanyang boyfriend. Wala lang naman iyon kay female TV host dahil sanay na siya sa ugaling gano’n ng ibang tao. Kaya proper lang daw na ipakita niya ang tamang pagbigay-galang sa ibang tao.

Dahil nga sa nangyari, nangako si teen actress na hindi na dadalhin ang boyfriend nito para hindi siya napapahiya.