Una sa Balita

Basta kakampi 2 utol LA type ni Giannis

0 366

GUSTO ni Milwaukee Bucks superstar Giannis ­Antetokounmpo na maging kakampi ang dalawa niyang kapatid sa Los Angeles man o sa Milwaukee.

“I think it would be ­awesome,” sabi ni Giannis sa interview ni Mackenzie Salmon ng Sports Pulse kahapon.

“Milwaukee, L.A. wherever.”

Kasama ni Giannis ang ­kanyang kuya na si Thanasis Antetokounmpo sa Milwaukee, habang ang nakababata nilang kapatid na si Kostas ay nasa ilalim ng two-way contract sa Los Angeles Lakers.

Namumuro sa ikalawang ­sunod na MVP award si Giannis at magtatapos na ang kanyang kontrata sa Bucks sa susunod na season kaya nakatakda na itong maging free agent.

Tumapos ng NBA-best 60-22 ang Bucks sa nagdaang season at umabot sa Eastern Conference Finals subalit natalo sa eventual champion Toronto Raptors.

Sa kasalukuyang season ay hawak pa rin ng Bucks ang league-leading record na 46-8 win-loss mark.

Ayon sa mga report, ­ngayon pa lang ay marami nang ­koponan ang tumatarget kay Giannis ­pagkatapos ng kontrata nito sa Milwaukee, kabilang dito ang Los Angeles Lakers at ang Los Angeles Clippers.

Maaaring bumuo ng higit pa sa super team si Giannis sa dalawang LA squad: sa Lakers sina LeBron James at Anthony Davis, habang sa Clippers naman sina Kawhi Leonard at Paul George. Tiyak ding pipitilin ng Bucks na mapanatili sa pamamagitan ng bagong max contract ang kanilang superstar.

Kaya din umanong impluwensiyahan ni Giannis ang alinmang team na kukuha sa kanya na isama ang kanyang dalawang utol dahil mga role player naman ang mga ito at hindi mabigat na bigyan ng mga kontrata.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More