Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Basta happy sila’ Janine, Paulo aprub kay Monching

0 213

All-out ang naging suporta ni Ramon Christopher sa movie ng anak na si Janine Gutierrez at sa rumored boyfriend nito na si Paulo Avelino, ang “Ngayon Kaya” nang magkaroon ng premiere night sa SM Megamall. Pero kasalukuyan na itong napapanood ngayon sa mga sinehan.

Kasama ni Monching ang dalawang kapatid na babae ni Janine.  Natuwa ito at nagandahan talaga sa movie.

Sey nga niya, “Very proud kasi nga, yung dedication niya sa trabaho.”

At hindi na raw kailangan ng payo nila ni Lotlot de Leon pagdating sa craft nito si Janine. Katwiran niya, “Mas magaling na sila sa amin. Hindi na importante siguro ang payo, alam na nila kung ano ang ginagawa nila.”

Pagdating sa diumano’y relasyon ng anak kay Paulo, nakangiting sinabi nito na, “They’re of right age  naman. Kung saan sila happy. Basta happy sila. Kilala ko naman si Paulo and in fairness, mabait.

“At saka, hindi ko pinanghihimasukan ang lovelife nila.” (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.