Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Basketbolista, iba pang dawit sa Dacera case lumutang

0 268

Nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) headquarters ang mga personalidad na natukoy na nasa loob ng room 2207 ng City Garden Grand Hotel, at nakasama umano ni Christine Dacera bago ito matagpuang walang buhay noong Enero 1 matapos ang kanilang party.

Kabilang sa 12 katao na nagpunta sa NBI nitong Miyerkoles ang basketball player na si Justin Rieta, na naglalaro umano para sa ilang liga sa bansa. Aniya, nasa loob siya ng room 2207 pero hindi niya kilala ang mga nasa room 2209, kung saan naka-check in ang grupo ni Dacera.

Sa isang panayam sinabi ni Rieta na naniniwala siyang walang naganap na krimen sa pagkamatay ng dalaga. Wala rin umano siyang nakitang kakaiba nang mangyari ang party.

Nagbigay ng kanilang sinumpaang pahayag ang mga nasa room 2207 at handa umano silang makipagtulungan sa imbestigasyon ng kaso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mahalaga umano ito ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin para malaman ang mga naganap bago masawi si Dacera.

Samantala, posible umanong masampahan ng kaso ang dalawang respondent sa pagkamatay ng flight attendant na si Dacera, nang bawiin nila ang naunang salaysay sa korte, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr.

Ayon kay Danao, maaaring masampahan ng kasong perjury sina John Pascual ‘JP’ dela Serna III at Rommel Galido dahil sa ginawa nilang pagbawi sa una nilang salaysay hinggil pagkakaroon umano ng party drug sa party.

Sabi ng abogado nina Dela Serna at Galido na si Atty. Abigail Portugal, binawi ng dalawa ang nauna nilang salaysay matapos diumanong i-pressure ng pulsiya at binantaang mabubulok sila sa kulungan kung hindi sila magtutuo ng isa sa kanilang kasamahan.

Ayon naman kay Danao, nakausap na niya ang hepe ng Makati City police na si Police Col. Harold Depositar hinggil sa panibagong sinabi ng mga respondent at sinabi naman nito na wala umanong ganoong pangyayari na pamimilit at pag-torture sa mga respondent. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.