Una sa Balita

Basketball referee nahulihan ng shabu

0 185

Dinakma ng pulisya ang isang basketball referee nang madakip sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Jose, Dumalag, Capiz.

Kinilala ng pulisya ang hinuling si Jhon Lynnon Feren, 27-anyos.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Dumalag Municipal Police Station, Jamindan Municipal Police Station at Provincial Drug Enforcement Unit ng Capiz Police Provincial Office.

Nasamsam sa suspek ng dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu, P500 na buy-bust money, P12,000 na cash, 23 riyal, cellphone, motorsiklo at drug paraphernalia.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy