Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Basilan pinabibiyak sa 2 distrito

0 199

Nais ni Basilan Rep. Mujiv Hataman na hatiin sa dalawang distrito ang kasalukuyang nag-iisang distrito ng Basilan, batay ito sa kanyang inihaing House Bill No. 10407.

Layon umano sa panukalang ito na magbigyan ng kapangyarihan ang mga residente ng Basilan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng patas na paglahok at kakatawan sa pagbalangkas ng mga batas.

Tinukoy ng kongresista ang pagtaas ng populasyon ng Basilan kaya lumalaki din umano ang pangangailangan sa serbisyo-publiko.

Sa panukala nakapaloob na ang unang distrito ay bubuin ng Isabela City at minisipalidad ng Lantawan, Maluso, Hadji Muhtamad, atTabuan-Lasa.

Habang ang ikalawang distrito ay bubuin naman ng Lamitan City at munisipalidad ng Akbar, Hadji Mohammad Ajul, Tipo-Tipo, Tuburan, Ungkaya Pukan, Sumisip at Al-Barka. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.