Una sa Balita

Bashers, haters nag-sorry sa panlalait sa dyowa ni Ai Ai

By
0 130

Sinuportahan ng mga karelasyon nina Ai Ai ­delas Alas, Zsa Zsa Padilla at Beauty Gonzales ang red carpet premiere ng Bes and The Beshies ng Cineko Productions sa Cinema 3 ng SM Megamall noong Martes.

Kasama ni Ai Ai ang kanyang fiancée na si Gerald Sibayan, escort ni Zsa Zsa ang fiancée nito na si Conrad Onglao at ang asawang si Norman Crisologo ang date ni Beauty.

Dahil mga private personalities ang tatlong lalake, hindi sila ininterbyu ng entertainment press bilang respeto sa privacy nila.

Anyway, nag-apologize kay Ge­rald Sibayan ang mga basher na hinusgahan ang pagkatao niya at inakusa­han siya na gagamitin lamang ang kanyang future wife.

Bukod sa apology, binura ng mga basher at haters ang masasakit na social media post nila tungkol kay Gerald.

May isang basher na todo ang paghingi ng paumanhin kay Gerald dahil nagmamalasakit lamang daw siya sa Co­medy Queen na idol na idol niya.

Nagsisi ang female basher na inamin ang pagkakamali at nasaktan nang sobra dahil may mga nanglait sa physical appearance niya. Parang binagsakan ng langit at lupa ang female basher nang hamakin ng isang tagapagtanggol ni Gerald ang kanyang itsura kaya humingi siya ng apology sa fiancée ni Ai Ai.

Beshies ni Ai Ai, R13

R13 ang classification na ibinigay ng MTRCB sa Bes and the Beshies na nagbukas kahapon sa cine­mas nationwide. Hindi manghihinayang ang mga nagpaplano na panoorin ang comedy movie ng direktor na si Joel Lamangan dahil sa opening scene pa lang, matatawa na sila.

Entertaining ang Bes and The Beshies, ang klase ng pelikula na dapat tangkilikin ng mga manonood na gustong makalimutan nang pansamantala ang kanilang mga problema.

Talakan nina Lovi at Erich  pinalakpakan ng fans

Erich Gonzales

Bago nag-umpisa ang screening ng Bes and The Beshies, ipinakita muna ang trailer at music video ng forthcoming movies ng Cineko Productions, ang Fall Back at ang The Significant Other.

Ang Fall Back ang ikinuwento sa amin ni ­Daniel Matsunaga na isa sa tatlong pelikula niya ngayong 2017. Co-stars ni Daniel sa Fall Back sina Zanjoe Marudo at Rhian Ramos. Sa November 15 ang playdate ng pelikula na mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Pinalakpakan ng moviegoers ang music video ng The Significant Other dahil sa mga eksenang talakan, tarayan nina Erich Gonzales at Lovi Poe.

Malaking tulong sa music video ang mahusay na revival ni KZ Tandingan sa Till My Heartaches End, ang 1992 hit song ni Ella May Saison na ginamit na theme song sa The Significant Other.

Chan-Brosnan movie bumenta

Kahapon din ang opening day sa mga sinehan ng The Foreigner, ang action thriller film na tinatampukan nina Jackie Chan at Pierce Brosnan. Ang Viva Pictures International ang Phi­lippine distributor ng breathtaking movie na base sa The Chinaman, ang 1992 novel ni Stephen Leather.

Sagana sa aksyon ang pelikula at muling pinatunayan ni Jackie ang husay niya sa stunts, kahit 63 years old na siya. Ginampanan ni Jackie ang role ni Ngoc Minh Quan, ang retired Vietnam War special forces ope­rator na hinanap ang mga responsable sa pagkamatay ng kanyang anak na biktima ng bombing sa isang department store sa London.

US$35 million ang production budget ng The Foreigner pero as of October 16, 2017, $101.5 million na ang worldwide box office gross ng pelikula.

Gustung-gusto ng entertainment writer na si Crispina Belen ang pelikula kaya balak niya na panoorin sa pangala­wang pagkakataon ang The Foreigner dahil big fan din siya ni Jackie.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy