Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Basheirrou kasado sa triple Crown

0 93

Wala pang lineup pero tiyak na kasali si Basheirrou sa 2nd Leg Triple Crown Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas sa susunod na buwan.

Ito’y dahil pakay ni Basheirrou na makagawa ng history sa karerahan sa mga kabayong naka sweep ng Triple Crown series.

Nilampaso ni Basheirrou ang mga nakatunggali sa 2022 Philippine Racing Commission ‘1st Leg Triple Crown’ Stakes Race na nilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Mayo 15.

Related Posts

Ginabayan ni class A rider Kelvin Abobo, nirehistro ni Basheirrou ang tiyempong 1:42 minuto’t segundo sa 1,600-meter race sapat upang hamigin ang P2.1M cash prize sa event na suportado ng Philracom sa pamumuno ni chairman Aurelio ‘Reli’ De Leon.

Dumating na segundo noon si Jungkook na kinubra ang P787,500 habang napunta sa third at fourth placer na sina Radio Bell at Gomezian ang 437,500 at P175K, ayon sa pagkakasunod.

“Tingin ko kaya pa rin manalo ni Basheirrou sa second leg, napakahusay niya sa 1st Leg,” saad ni Rhenan Velasco, isang veteran karerista.

Inuwi naman ng breeder ng winning horse ang P175K, ang ibang lumahok sa nasabing big event ay sina Don Julio at Enigma Uno. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.