Una sa Balita

Basas, Pons muling iigkas sa Lady Tams

By
0 1,887

MULING kakapitan ng Far Eastern University sina Toni Basas at graduating hitter Bernadeth Pons upang masikwat ang pangalawang sunod na panalo at makisalo sa tuktok ng team standings sa 80th UAAP women’s indoor volleyball tournament elims.

Kinaldag ng Lady Tamaraws ang last year’s runner-up Ateneo de Manila University, 19-25, 25-21, 18-25, 25-20, 15-9, noong Linggo, nakatakda nilang harapin ang Adamson University ngayong alas-dos ng hapon sa FilOil Arena, San Juan City.

Sakaling manaig ang FEU, sasaluhan nila sa top spot ang power house National University na kapit sa malinis na dalawang panalo.

Tumikada sina Basas at Pons ng tig-14 points sa panalo ng Morayta-based volleybelles sa Lady Eagles, kaya nabigyan nila ng magandang birthday gift ang kanilang coach na si George Pascua.

“Laro lang at tulungan para makakuha pa ng mga panalo,” saad ni Basas.

Para sa Lady Falcons, nais nilang bumangon agad mula sa pagkakadapa sa kanilang unang laro ngayong season.

Tulad ng FEU, pakay din ng two-time defending champion De La Salle University na sikwatin ang two-game winning streak.

Katapat ng Lady Spikers ang University of the Philippines sa alas-kuwatro ng hapon.

Tangan din ng Lady Maroons ang 1-0 card. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy