Una sa Balita

‘Basag-kotse’ member huli sa akto, todas

0 260

PATAY ang isang miyembro ng Basag-Kotse nang manlaban sa nanitang tauhan ng Manila Police District – Police Station 9 matapos maaktuhan sa tangkang pagbasag sa salamin ng isang sasakyan kahapon ng madaling-araw sa harapan ng Harrison Plaza Mall sa M. Adriatico St., Malate, Maynila.

Inilarawan ni PLTCOL Richard Ian Ang, ng MPD-PS 9, ang suspek na nasa edad 30-35, may taas na 5’3-5’5, may tattoo sa dibdib na ‘Boy Cadua’ at ‘Charben Duarte’ sa tiyan, nakaitim na t-shirt at purple short pants at payat na nasawi dahil sa tama ng mga bala sa katawan.

Sa imbestigasyon, naganap umano ang insidente ala-1:45 nang madaling-araw sa nabanggit na lugar.

Nagsasagawa ng anti-criminality opera­tion ang mga tauhan ng MPD-PS 9 nang pagsapit sa lugar ay nakita ang suspek na aktong binabasag ang passenger window ng nakaparadang itim na ­Toyota Fortuner na may plate number na ZMF-168.

Sinita umano ng mga pulis ang suspek at nang aktong aarestuhin ay bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis pero nagmintis dahilan para gantihan na rin ito ng pu­tok na kanyang ikinasawi.

Isinugod pa ang suspek sa Ospital ng Maynila pero dineklarang dead-on-arrival.

Nakuha sa suspek ang isang .38 revolver at 6 na bala. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy