Una sa Balita

Basa tinalagang OIC ng PhilHealth

0 340

MAY inilagay nang officer-in-charge si Health Secretary Francisco Duque sa Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth).

Sinabi ni Duque na pansamantala ay si Exe­cutive Vice President at Chief Operating Officer John Basa muna ang mamumuno sa PhilHealth kapalit ng nagbitiw na si Roy Ferrer.

Nabatid na nasa Amerika pa si Basa kaya si senior vice president ng Management Services Sector ng PhilHealth, Dennis Mas muna ang pansamantalang hahawak sa puwesto.

“OIC lang siya habang wala ‘yung COO kasi ang utos ni Pangulo, give it to the next in rank. Ang next in rank ni Dr. Ferrer ay si Mr. John Basa, nasa Amerika. Dadating pa lang sa Lunes,” ayon kay Duque.

Una nang sinabi ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na napipisil niyang mamuno sa PhilHealth si Dr. Jaime Cruz pero hindi pa umano nito tinatanggap ang posisyon.

Ito ay matapos atasan ni Duterte si Ferrer at mga board member ng PhilHealth na magsumite ng kanilang courtesy resignation matapos na pumutok ang kontrobersiya hinggil sa mga ghost kidney dia­lysis claim.

Kaagad naman nagsumite ng kanilang re­signation ang mga opisyal ng PhilHealth pero hindi pa umano natatanggap ng Pangulo ang kanilang resignation. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy