Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barong-barong nagliyab, lolo tostado

0 31

Sumakabilang-buhay ang isang 72 taong gulang na lolo matapos lamunin ng apoy ang tinutulugan niyang kubo sa Calamba City, Laguna, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Arturo Guasil, residente ng Pamana Subdivision, Barangay Bucal.

Batay sa ulat ng pulis Calamba City, alas-9:30 ng gabi nang biglang sumiklab ang barong-barong ng matanda. Sinasabing 30 minuto ang inabot bago ma­ging kontrolado ang sunog.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matapos maapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang apoy, natagpuan ang sunog na sunog na katawan ng biktima na hindi na nakaalis sa higaan nito.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagliyab. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.