Una sa Balita

Baron binawalang tumoma ni Coco

0 440

By Dondon Sermino

Marami ang natuwa na nakabalik ulit sa telebisyon si Baron Geisler dahil napapanood nga siya gabi-gabi sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” at malaki ang pasasalamat niya sa bida ng serye na si Coco Martin.

Sabi ni Baron, “Out of nowhere, nalaos ako, nagkaroon ng problema tapos biglang binigyan nila ako ng ganitong karakter na everyday nakikita. So that’s a dream come true, that’s an answered prayer.”

“Kung tutuusin, I’m already at a place where God has already placed me na I’m very happy and grateful and I couldn’t ask for more.”

Ngayon ngang katrabaho niya na ang Primetime King, napatunayan niyang tunay ngang busilak ang puso ni Coco gaya ng naririnig niya sa kanyang mga kasamahan sa industriya.

“Nu’ng una, akala ko parang sabi-sabi lang kasi siya ‘yung boss, hindi pala. Totoo pala na mahal talaga siya ng tao do’n,” sabi ni Baron.

“Nire-remind niya ako palagi tungkol sa pakikisama. Binabalik niya ako do’n sa, ‘Paps, basta makisama ka lang. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin do’n. Hindi ‘yung pakikisama na magki-kiss ass ka sa mga tao.”

Payo pa raw ni Coco, “Huwag kang male-late, maging professional ka. Tapos huwag na huwag kang iinom bago, during or after ng trabaho.”

O ‘di ba, sana nga magpatuloy na itong nangyayari sa karera ni Baron at kahit sa personal niyang buhay, lalo’t kamakailan ay napa­balitang engaged na siya. Congrats, Baron!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy