Una sa Balita

BARMM tatanggap na ng pondo sa gobyerno — Angara

0 275

GUGULONG na ang ipinangako ng gobyerno na pag-unlad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.7 tril­yong national budget.

Ayon kay reelectio­nist Senator Sonny An­gara, isa sa mga senador na nagsulong sa pagsasabatas ng BARMM, tiyak nang mapopondohan ang mga nakaplanong proyekto at rehabilitasyon sa rehiyon partikular sa mga lalawigang winasak ng sigalot.

Sa naturang budget, P30 bilyon ang inilaan ng pamahalaan para sa BARMM na gagamitin bilang inisyal na ope­rational fund nito nga­yong taon.

“Ito na ang pagtupad sa pangako ng gobyerno na pagpapaunlad at pagbabago sa Muslim Mindanao,” ayon kay Angara, chairman ng Senate Committee on Local Go­vernment at co-sponsor ng RA 11054 o ang Bangsamoro Organic Law na siyang lumikha sa BARMM.

“Umaasa tayo na sa pamamagitan ng inilaang pondo ng gobyerno sa pamahalaan ng BARMM, magagawa nitong iangat ang pamumuhay ng mga kapatid nating Mindanaoan. Sana’y maging hakbang ito upang magkaroon na rin sila ng maayos na hanapbuhay, edukasyon at pagkalinga mula sa pamahalaan,” ani Angara na muling tumatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng platapormang Alagang Angara.

Sa datos ng Philippine Statistics Autho­rity (PSA) noong 2015, kabuuang 3.78 milyon ang populasyon ng rehiyon at halos 59 pors­yento ng mga ito ay pawang namumuhay sa kahirapan. (Dang Samson-Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy