Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BARMM kada araw na ang bakuna

0 46

Aaraw-arawin na ng gobyerno ang pagbakuna sa mga lalawigan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) partikular sa mga lugar na mababa pa rin ang vaccination rate.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Dr. Ted Herbosa, medical adviser ng National Task Force Against COVID -19 kaugnay sa patuloy na vaccination rollout ng gobyerno laban sa COVID-19.

Ayon kay Herbosa, ang mga lugar na mababa ang bilang ng mga nabakunahan ang malaki ang posibilidad na magkaroon ng outbreak sakaling makalusot sa bansa ang ibang sub-variants ng virus.

“Sa ating low vaccination rate areas lalo na sa BARMM, gumawa kami ng magandang plano na iyong vaccination teams ay may pupuntahang probinsiya kada araw para ma-increase,” ani Herbosa.

Binabantayan aniya ngayon ng NTF ang mga sub-variants na BA2.12 na dinala ng isang turista sa bansa dahil mas mabagsik ito kaysa sa naunang variants, bukod sa BA4 at BA5 na napaulat na kumakalat na rin sa ibang mga bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.