Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BARMM election sa 2028 na

0 23

Pinapaboran ng House Commitee on Muslim Affairs ang panukala na layong tuluyan nang ipagpaliban ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections sa 2028.

Ayon kay Committee on Mindanao Affairs Chair Rep. Mohamad Khalid Dimaporo, ang kasalukuyang pandemya ay nakaapekto sa mga kailangang programa at aktibedades upang maging matagumpay ang itinakdang BARMM election sa 2022.

“It does not look like the pandemic is ending anytime soon. That is at least three years of delays on the ground and so I believe it is necessary to reset the BARMM elections to 2028,” ayon kay Dimaporo.

Gayunpaman, imungkahi ng solon na habang isinantabi ang halalan ay mahalagang aksiyunan ng kongreso ang ilang batas na magsususulong sa kapakakan ng mga Filipino Muslim at lahat ng Mindanaoans. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.