Una sa Balita

Barkong may droga pasabugin- Duterte

0 299

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Navy na pasabugin ang mga barko na nagpupuslit ng iligal na droga sa bansa.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa campaign rally ng Partido Demokratikong Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Malaybalay City, Bukidnon nitong Sabado nang gabi, Abril 13.

“Ang right side nimo mao nay east, ang left side nimo og ni-a kas Pilipinas mao nay west. Eastern seaboard, western seaboard. Both diri ug diri sigeg panglutaw ang mga cocaine. Ang cocaine mao nay ginabuhat sa mga dato, mahal na. Nganong nidaghan karon? So, mao na naa mi duda. Pero akong ingon sa Navy basta kanang smuggler, pabutha hasta ang mga tawo,” saad ng Pangulo.

“Ayaw nalang saba, ihunghong nalang sa ako nga naa moy gipabuto nga baruto ug barko o unsa ba diha, lantsa sa mga durugista,” dagdag pa niya.

Noong nakaraang linggo lamang, tinatayang 40 brick ng cocaine ang natagpuan sa karagatan malapit sa bayan ng Burgos sa Surigao del Norte.

Dahil dito, nanawagan si Surigao del Norte Rep. Jose Francisco Matugas kay Pangulong Duterte na magpadala ng Philippine Coast Guard sa kanilang karagatan upang hindi na maulit ang pagtatapon ng iligal na droga sa kanilang karagatan.

Noong Pebrero lamang, tinatayang 70 brick ng cocaine na nagkakahalaga ng higit kalahating bilyong piso ang natagpuan din sa Siargao at Dinagat Islands. (Prince Golez/Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy