Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barko sumadsad sa Surigao: 4 patay, 9 nawawala

0 66

Narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat bangkay na crew ng sumasad na barko sa Malimono sa Surigao del Norte.

Kaugnay nito, sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armando Balilo na may pitong crew member na nailigtas, pero siyam ang patuloy na nawawala.

Kinilala ng PCG ang isa sa namatay na sina Norman Galon, na nakita sa Brgy. Balite, San Francisco. May dalawa pang hindi pa nakikilalang bangkay na natagpuan sa Brgy. Jubgan.

Kabilang naman sa mga nasagip sina Noli Labucay, Roger Polo, Arjie Bacarra, Joejie Villanueva, Felipe Quebuen, John Renzo Guanzon, at isa pang hindi muna pinangalanan na pawang dinala sa Malimono Regional Health Unit sa the Caraga Regional.

SM food to go Banner Ad

Tuloy-tuloy naman ang search and rescue operation para sa nawawalang mga crew.

Una rito, napaulat ang pagsadsad ng barkong LCT Cebu Great Ocean sa baybaying dagat ng Brgy. Cantapoy nitong Lunes.

Puno umano ang barko ng nickel ore at may dalang 2,000 litro ng diesel, ayon sa PCG. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.