Una sa Balita

Barko, sumadsad sa Cagayan

By
0 2

Nabalahaw sa dalampasigan ang isang international vessel matapos na sumadsad dahil sa masamang panahon sa Sanchez Mira, Cagayan Lunes ng madaling-araw.

Nabatid kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Commander Armand Balilo, ang M/V Salvage Titan ay galing sa Oieka, Japan at pa­punta sana ng Malaysia at Cambodia kung saan hila-hila nito ang isang barge na may kargang crane.

Sanhi ng malalakas na alon at masungit na panahon, napadpad ang barko sa karagatan ng Sanchez Mira hanggang sa tuluyang sumadsad sa dalampasigan ng Sitio Calingkingan sa Brgy. Barzan, Sanchez Mira.

Isang Taiwanese company, ang may-ari ng barko pero pawang mga Pilipino ang kapitan at labing-apat nitong tripulante.

Wala namang nasawi, o nasugatan sa nabanggit na insidente at kaagad naman silang na-rescue ng PCG.