Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barko ng China sa WPS dumami

0 226

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Gilbert Gapay na dumami ang mga Chinese vessel sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng pandemya.

“Dumami ‘yan dahil namo-monitor na natin. Dati kasi marami na talaga, pero wala tayong capability to monitor. Ngayon, mayroon na tayong monitoring capability at ‘yun nga, nakita na natin kung gaano kalawak ang operasyon ng Chinese, ‘yung People’s Liberation Army dyan sa West Philippine Sea,” ani Gapay sa panayam sa radyo.

Saad ni Gapay, karamihan sa mga nakitang barko ay ginagamit para mangisda at maritime exploration, ngunit kasama din dito ang mga barkong pandigma ng China.

Gayunman ayon kay Gapay, pumapalag ang mga lokal na awtoridad ang mga dayuhang sasakyan lalo kapag nanghihimasok na ang mga ito sa ating katubigan.

Naghahain din umano ang gobyerno ng diplomatic protest laban sa pang-aangkin ng China. (Shernielyn dela Cruz)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.