Una sa Balita

Barko na may lamang ‘isdang putok’ naharang

0 287

Umabot sa 200 kahon ng mga isda, kabilang ang mga kinokonsiderang endangered o nanganganib na species, na hinuli umano sa pamamagitan ng dinamita, ang nasamsam ng mga tauhan ng Regional Maritime Unit–N­ational Capital Region (RMU-NCR) at ng Bureau of Fis­heries and Aqua-tic Resource­s (BFAR).

Ayon kay P/ Col. Jason Cipriano ng MRU-NCR, nakakuha sila ng tip na mag-de-deliver ng mga isda ang MV Alejandra sa Navotas Fish Port, mula sa Pasig River.

Bunga nito, inabangan ng mga awtoridad ang nasabing barko na lumapag sa nasabing pantalan dakong alas-kuwatro nang madaling-araw kahapon sa tulong ng BFAR.

Matapos maispeksyon ang laman ng barko, tumambad sa kanila ang daan-daang kahon na may naglalaman ng iba’t ibang uri ng isda kasama na ang pating na kabilang sa mga bawal hulihin.

May palantadaan din umano na ginamitan ng dina- mita ang paghuli sa mga isda dahil wasak ang mga tiyan nito.

Nabatid na 57 kahon na mga isda ang nadala sa merkado, bago pa man naharang ng mga awtoridad ang barko.

Isinama rin ng mga tauhan ng BFAR at RMU-NCR ang tatlong mangingisda na hindi pa nakikilala habang isinusulat ang balitang ito, at inaalam na kung sino ang may-ari ng naharang na barko.

Nasa pangangalaga naman ng Philippine Fish Port ang mga nakumpiskang mga isda. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy