Una sa Balita

Barko lumubog sa Davao City, 50 pasahero nasagip

0 294

NAILIGTAS ang umaabot sa 50 pasahero ng isang chartered vessel ng pingsamang rescue o­peration ng Philippine Coast Guard (PCG) at PNP Maritime Group matapos na magkaproblema ang makina nito at umubog sa Sta. Ana wharf sa Davao City kahapon nang umaga.

Sa ulat na inilabas ni Staff Sgt. Sevner Neri, imbestigador ng Sta. Ana Municipal Police Station (MPS), nailigtas naman ang lahat ng pasahero ng Sam Christopher vessel kung saan lulan nito ang 45 pasahero, apat na crew at ang kapitan nito.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:55 nang umaga sa karagatan sakop ng Sta. Ana wharf sa nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na patungo sana ng Talicud i­sland ang nasabing vessel nang magkaproblema ang makina nito matapos na pumulupot ang lubid sa propeller dahilan upang huminto ang makina nito at unti-unting lumubog.

Mabilis namang naka-radyo ang kapitan ng vessel at maagap na nakapag-rescue ang mga tauhan ng PCG at Ma-ritime group at mailigtas ang mga sakay ng barko.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente habang nailipat na ang mga pasahero sa ibang vessel at tumuloy na sa patutunguhan. (Edwin B­alasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy