Una sa Balita

Barko lumubog, 2 tripulante nawawala

By
Pinapanood ng mangingisda na ito ang unti-unting paglubog ng barkong MV UFUK cargo vessel sa Manila Bay. Ayon sa PCG, pinasok ng tubig ang natu­rang barko na nagresulta sa paglubog nito na kailangang maalis agad upang maiwasan ang peligro na dulot ng oil spill. (Mike Perez)
0 3

Nagsasagawa ng search and rescue operation ang mga elemento ng Philippine Coast Guard (PCG) para mahanap ang dalawang nawawalang tripulante ng lumubog na passenger vessel, kamakalawa ng umaga sa karagatan sakop ng off Itbayat sa Batanes.

Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, dakong alas-9:43 ng umaga lumubog ang M/V Kanzam Express may lulan na pitong tripulante sa may southwest off Itbayat, Batanes.

Bago pa man lumubog, nasagip ng naglalayag na M/V Ingric C, ang limang tripulante.

Sinabi ni Balilo, sa inisyal na imbestigasyon ng PCG posible umanong dahil sa masamang panahon sa lugar ang naging sanhi ng paglubog ng barko.

Hiningian na rin ang AFP para magpadala ng helicopter na gagamitin sa search and rescue operation.