Una sa Balita

Barker todas sa riding-in-tandem

By ,
0 7

Patay ang isang barker ng jeep matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem, kamakalawa ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni PO3 Michael Maraggun, imbes­tigador ng Manila Police District (MPD)—Homicide Section, ang nasa­wing biktima na si alyas ‘Eddie Boy’.

Ang biktima ay nasawi dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Hindi nakikilala ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklong Yamaha Mio, na walang plate number, at parehas na nakasuot ng helmet at itim na jacket.

Ayon kay Police Senior Inspector Yolando Espina, ng MPD-PS 3, dakong alas-kuwatro ng madaling-araw, habang nagkakape ang biktima sa C.M. Recto Avenue, kanto ng Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila, nang dumaan ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Sa hindi malaman na dahilan, walang sabi-sabing niratrat ng bala ang biktima bago tumakas.
Dinala ang mga labi ni Eddie Boy sa Archangel Funeral Parlor para sa awtopsiya. Habang patuloy naman na pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek.