Una sa Balita

Barilin ‘yan sa ulo — locsin

0 330

“SHOOT the shit in the back of the head.”

Ito ang galit na pahayag kahapon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro ‘Teddy Boy’ Locsin Jr. kaungnay nang balitang makakalaya ang convicted rapist at murderer na dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.

Sa Tweet ni Locsin, dapat aniyang mamatay sa loob ng selda si Sanchez.
“Shoot the shit in the back of the head. Anything less is a sellout.

Anything less clear is the same,” sabi pa sa kanyang Tweet.

Noong Martes, sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) at Department of Justice na kasama si Sanchez sa 11,000 bilanggo na posibleng mapalaya sa susunod na dalawang buwan matapos ang recomputation alinsunod sa good conduct time allowance (GCTA) alinsunod sa Republic Act 10592.

“We are not throwing away the unprecedented gigantic political capital of two landslide electoral victories—essential for major reforms—for this sick caricature of an hijo de puta. Period,” dagdag pa ng kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nagbigay din ito ng reaksyon sa na­ging pahayag ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na dapat bigyan ng second chance si Sanchez dahil ito ang nilalaman ng batas.

“He won’t be the first to be shot to pieces behind bars. No loss, no regrets, no nothing,” sabi pa nito.

Aniya, mainit na usapin ngayon ang pagpatay, at para sa kanya, ngayon ang tamang oras para may patayin.

“People today talk a lot about killing but nobody kills when killing needs to be done. Fucking fairies. All talk,” dagdag pa ni Locsin.

Naunang lumabas ang ulat na kasama umano si Sanchez sa 11,000 bilanggo na nakatakdang lumaya ito sa dalawang buwan matapos magkaroon ng recomputation sa Good Conduct ans Time Allowance (GCTA) sa bisa ng Republic Act 10592.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ni BuCor Director General Nicanor Faeldon, na ayon dito hindi puwedeng makalaya si Sanchez, dahil may ilan pa itong kasong kinasasangkutan tulad ng droga sa New Bilibid Prisons. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy