Una sa Balita

Barilan sa harap ng Puregold; 1 sugatan, 2 arestado

By
0 515

SUGATAN ang isang carnapper nang makipag­barilan sa mga pulis habang dalawa sa kanyang mga kasama­han ang naaresto sa isinagawang entrapment operation sa harap ng Puregold sa Valenzuela­ City, kahapon nang madaling-araw.

Sa report ni P/Chief Inspector Rhodericl Juan, head ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), dinala sa Orthopedic National Hospital sa Banawe, Quezon City si Mark Anthony Copiaco, 38, matapos mabaril ng mga pulis sa kaliwang tuhod.

Matapos ang putukan, nadakip ang kanyang mga kasamahan na sina Mark Anthony Cruz, 38 at Edmon ­Lanante, 31, kapwa mga residente ng Sapa Zigzag Hills, Malhacan, Meycauayan, Bulacan.

Bago ang insidente, nagtungo sa opisina ni P/Sr. Inspector Jose Hizon si Jayson Aries­ ­Soriano at ini-report ang ibinebentang Toyota­ Altis (UIH-211) ng halagang P50.000 ng mga suspek sa kanya.

“Sabi po ng friend ko isangguni ko muna sa mga pulis kasi ang mura at baka daw karnap yung sasakyan,” ani Soriano
Dahil dito ikinasa ng mga pulis ang entrapment operation at ang lugar ng bilihan ay sa tapat ng Puregold sa Brgy. Dalandanan.
Nauwi sa barilan ang transaksyon .

Inaalam na ng grupo ni Capt. Hizon kung kanino nakarehistro ang ibinebentang sasakyan ng tatlong suspek at kung may iba pa itong mga kasamahan. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy