Una sa Balita

Baril pinaglaruan, sarili naputukan

By
0 2

Sugatan ang isang tricycle driver nang aksidenteng pumutok ang baril na kanyang pinaglalaruan kahapon ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Tinamaan ng bala sa kaliwang hita ang biktimang si Cornelio Gayo, 30, at residente ng 1345 Nicolas St., Tondo, Maynila.

Ayon kay PO1 Paul Dick Valencia, ng Manila Police District-Police Station 3, naganap ang insidente dakong alas-12:00 ng madaling-araw sa may Ipil St. Sta. Cruz, Maynila habang nakaparada ang tricycle at naghihintay ng pasahero ang biktima.

Pinaglalaruan uman­o ng biktima ang hindi pa matukoy na baril nang ­bigla itong pumutok at tumama sa kanyang hita.

Isinugod naman ang biktima ng kanyang kapitbahay, na si Ashle­y David, sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) makaraang makitang namimilipit sa sakit ang biktima.