Una sa Balita

Barikada sa DPWH, TPLEX

200 land owner hindi nabayaran

By
0 382

TINATAYANG nasa 200 may-ari ng mga ari-arian na naapektuhan sa pagtatayo ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) ang nagsagawa ng barikada kahapon nang umaga matapos na hindi mabayaran umano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at TPLEX ang danyos na nararapat sa kanila.

Hinarangan ng mga land owner na may dala-dalang mga protest banner ang parte ng kalsada ng TPLEX sa may Pozzurobio, Pangasinan para hadla­ngan ang mga motorista na dumadaan sa Barangay Bobonan bandang alas-7:30 nang umaga.

Iginigiit ng mga nagprotesta sa mga opisyal ng DPWH at TPLEX na tuparin ang kanilang pangako na bayaran ang balanseng halaga sa kanilang mga lupain na tinayuan ng TPLEX.

Iginiit ng mga land owner na hindi sila aalis sa nasabing barikada hanggang hindi humaharap sa kanila ang mga opis­yales ng DPWH at TPLEX upang makipag-usap.