Una sa Balita

‘Barefoot Diva’ gustong magpasaya

0 240

Pepito ‘Fritz’ Labastida
Ni Myris Lee

INDI lamang sa love winner ang mga miyembro ng LGBT community kundi pati na rin sa takbuhan.

Isa na rito ang ‘barefoot but fabulous’ na gay runner na si Pepito ‘Fritz’ Labastida.

Simbolo ng rainbow community sa takbuhan si Labastida suot ang makukulay at magagarbong costume sa bawat pagtakbo nito nang nakayapak.

Taong 2009 nang magsimula tumakbo ang tubong Southern Leyte sa isang fun run ng kompanya na pinagtratrabahuhan at simula noon ay nagsunod-sunod na ang paglahok nito sa mga running competiton.

Hindi man sporty noong siya’y bata pa ay agad namang minahal ng ‘barefoot diva’ ang pagtakbo nang masimulan niya ito dahil sa hindi matatawarang kasiyahang nabibigay nito sa kanya.

Ibinunyag din ni Labastida na inspirasyon nito si 2016 Rio de Janeiro Olympian marathoner Mary Joy Tabal sa bawat pagkaripas nito.

Ngunit hindi na sumagi sa kanyang isipan na subukan maging miyembro ng Pambansang koponan.

Para kay Labastida, hindi man magamit ang kanyang talento upang makapagbigay karangalan sa bansa ay sapat nang makapagpasaya ito ng mga manonood sa tuwing siya ay tatakbo.

“Bukod sa mag-inspire ang goal ko is magpasaya ng tao. ‘Yun ang satisfaction ko na hindi matutumbasan ng kahit ano,” sey ng mananakbo.

Q&A

Abante: Kung maaga ka namulat sa mundo ng pagtakbo, tingin mo parte ka na ng National squad?

Fritz: Oo naman. Kung maaga ko lang nalaman na maganda pala ang benefits ng pagtakbo, nu’ng kabataan ko sinimulan ko na.

Abante: Tingin mo ba ba­lang araw madami na rin ang mga gay runner at athlete ang magiging proud kagaya mo.

Fritz: Alam naman natin na nalaganap na ang HIV sa Pilipinas at wala itong pinipiling kasarian, mapa-lalaki man o babae at kahit sa pangkat ng LGBT community Hindi pa huli ang lahat upang maging fit and healthy. Simulan na habang maaga, kasi ito’y nakapagbibigay ng magandang kalusugan tungo sa maayos at maginhawang buhay.

Abante: Ano ang wish mo para sa LGBT community sa larangan ng sports?
Fritz: Wish ko sa LGBT community, ang daming libreng running clinic sa iba’t ibang panig ng Pilipinas kung saan puwede silang magsimula at matuto. Tungo sa tagumpay at laban ng buhay dahil sa karanasan ko, sobrang saya maging isang runner. Walang imposible.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy