Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barefield burado sa Rookie Draft

0 40

NAWALA ang pangalan ni Fil-Am Sedrick Barefield sa final list ng eligible applicants para sa 2022 PBA Draft.

Ngayong araw na ang draft day sa Robinsons Place-Manila, Blackwater ang unang pipili.

Mula sa dating 75 na nagpalista, naging 66 ang final list.
Prospective top pick pa naman si Barefield.

Nakalistang 6-foot-2, combo-guard si Barefield na dating naglaro sa Oklahoma City Blue sa G League.

Related Posts

Maraming naghayag ng interes sa 25-year-old, pero mukhang maghihintay pa muli ng isang taon bago makapasok sa PBA.

Hindi raw naisumite ni Barefield ang Philippine passport hanggang sa deadline nitong Biyernes.

Nasa US pa si Barefield, ngayong draft day na sana ang dating. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.