Una sa Balita

Barcenilla hari sa online chess

0 438

PINAGHARIAN ni reigning National Open champion Grandmaster Rogelio ‘Banjo’ Barcenilla Jr. ang katatapos na 1st Philippine National Bullet Chess Championship online sa pamosong chess website na ‘www.chess.com’ nitong Lunes, Marso 23.

Nakipaghatian ng puntos ang two-time Asian Junior champion (1989 at 1990) kay FM Sander Severino sa final round para pormal na makopo ang titulo ng 18-round tournament, 200 players field.

Nakapagtala ang Arizona, USA-based chesser ng 15 points mula sa 14 wins, 2 draws at 2 loses sapat upang kalawitin ang titulo.

“It was a great feeling winning in this tough 200 player’s field 18 round tournament,” hayag ni Barcenilla.

Samantala, nilista ni IM Daniel Quizon ang 14 puntos para okupahan ang second place habang nasa pangatlong puwesto si Samson Lim na may tinalang 13.5 points.

Nakuntento sa fourth si 13-time Philippine Open champion GM Rogelio ‘Joey’ Antonio Jr. na nakalikom ng 13 puntos.

Hindi nasalto ng COVID-19 ang nasabing event dahil sa online naglaro ang mga woodpusher. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More