Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barbosa binida San Juan

0 90

SABWATAN sina Grandmaster Oliver Barbosa at International Master Ricardo ‘Ricky’ de Guzman sa pagswak sa San Juan Predators sa Professional Chess Association of the Philippines “GM Wesley So Cup” grand finals.

Humugot ng puwersa ang Predators sa dalawang beteranong woodpusher upang pisakin ang All-Pinoy Conference champions Laguna Heroes nitong Sabado sa Northern Division finale.

Miyembro rin ng San Juan sina GM Viktor Moskalenko, Woman IM Jan Jodilyn Fronda, FIDE Master Arden Reyes at National Master Michael Gotel na makakatuos ang Southern Conference champ Iloilo Kisela Knights sa grand finale.

Related Posts

Sumandal ang Knights kina GM Rogelio ‘Joey’ Antonio Jr. at WFM Cherry Ann Mejia upang patalsikin ang Cordova Dagami Warriors at pamayagpagan ang Southern.

Hindi pinaporma ng Predators ang Laguna Heroes sa dalawang sets ng laban, 12-9 at 13.5-7.5 habang tinalbos ng Knights ang Warriors, 13-8 at 15.5-5.5 sa Rapid at Blitz plays. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.