Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barbie umasam ng ‘forever’ kay Jak

0 141

Kanya-kanyang paandar sa social media sina Barbie Forteza at Jak Roberto, para sa selebrasyon ng kanilang 4 taon relasyon.

Si Barbie, idinaan sa bonggang tula ang pagbati kay Jak.

“Four years.
“Four years na kitang kasama.
“Four years na tayong nagtatawanan.
“Four years na tayong nagdadamayan at nagtutulungan sa problema.
“Four years na tayong nagi-spicy noodles.
“Four years na tayong masaya.
“Four years na akong masaya.
“Sana FOUREVER na.
“Ano sa tingin mo? @jakroberto  Happy 4th Anniversary, Mahal Ko! I love you.”
At si Jak, idinaan naman sa drama ang lahat.

“Too many to mention mahal ko. Pero lahat ng trip natin pareho, kaya siguro umabot din tayo ng apat na taon, at hanggang ngayon wala akong masabi kundi ikaw ang THE ONE, salamat sa pag-intindi at salamat sa lahat ng binibigay mo saking suporta, mapatrabaho man yan o kung ano mang mga plano ko satin! Mahal na mahal po kita Madam! Happy 4th Anniversary!”

Well, para sa mga fan nina Barbie at Jak, mapapanood nga pala sila sa Heartful Café nina Julie Ann San Jose at David Licauco.

Dagdag excitement at kilig ang special participation ng real-life Kapuso couple sa ‘Heartful Cafe.’

“Ang saya siguro if si Jak and Barbie ‘yung magkatuluyan sa Heartful Café,” sabi ng isang fan. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.