Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barbie tinawag na malandi, tumalak sa fan

0 91

Sunod-sunod na ang pagpapakilig ni Diego Loyzaga sa dyowa niyang si Barbie Imperial.

Hindi man sila nagkasama noong Valentine’s day, bawing-bawi naman siya ngayon, dahil bukod sa pinaulanan niya ng mga bulaklak, lobo ang kuwarto ni Barbie, heto nga at binitbit niya ang dalaga sa Tagaytay.

Makikita nga sa mga social media ng dalawa ang ginawa nilang Tagaytay date, at kahit pareho silang ginaw na ginaw, hindi nila ininda `yon dahil sa init ng pagmamahal nila sa isa’t isa.

Anyway, sa Facebook page nga ni Barbie ay mababasa ang kuwento nila ni Diego, sa kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan. Ang ‘Call of Duty’ isang online game nga ang naging daan para magkalapit silang dalawa.

Si Diego nga raw ang madalas na tumulong sa kanya noon para makakuha ng mga aksesorya para sa ‘Call of Duty.’

Pero siyempre, tulad ng maraming artista, hindi mawawala ang mga basher, o mga taong galit sa nakikita nila sa mga artista.

“Hindi kami kasing landi mo, kaya kahit mag-COD (Call of Duty) kami,” sabi ng isang fan.

At hindi ito pinalampas ni Barbie, kaya agad-agad niyang tinalakan ang naturang fan na inggit sa kanya.

“Wala ka jowa?” sabi ni Barbie na kasunod ang malulutong na tawa.

Anyway, dahil sa kuwentong ito nina Barbie at Diego tungkol sa ‘Call of Duty’ mas marami nan gang babae ang naeengganyong maglaro nito, para makahanap din ng dyowa.

Kaloka, ha! Well… (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.