Una sa Balita

Barbie sarap na sarap sa aktor

0 429

Proud si Barbie Forteza sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto, lalo na kapag marami ang nagnanasa rito. Hindi naman daw nao-offend si Barbie kapag may nababasa siya na ang suwerte raw ni Barbie kay Jak dahil ang sarap-sarap nito.

“Naku, alam ko naman masarap siya! Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa ni Barbie.

Pahabol pa niya: “Pero suwerte rin naman si Jak sa akin kasi ang ganda ko kaya! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Maganda nga ang samahan nina Barbie at Jak sa almost three years na relasyon nila. Kung saan-saan na raw sila nakakapag-travel.

“‘Yung last naming biyahe was Japan. Marami kaming napuntahan at first time naming magkasama during winter sa Japan.

“Tapos si Jak, napakasipag niyang mag-shoot para sa vlog niya. Siya rin ang nag-e-edit. Kaya treat niya sa akin ‘yung Japan trip namin kasi suweldo niya ‘yun from his vlog,” ngiti pa ni Barbie.

Next trip daw nila ni Jak ay sa South Korea. Pero hinihintay pa raw nila ang approval ng visa nila na sana raw ay hindi abutin nang matagal.

“Pero hopefully, mabigyan na kami agad para maplano na namin ang pupuntahan namin. Sa ngayon, trabaho muna tayo dahil next week na magsimula ang ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday’, ‘di ba?” sabi ni Barbie. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More