Una sa Balita

Barbie, Paulo pinaiyak ang madlang pipol

By
0 754
 
 
Sa totoo lang, sobrang marami ang pinaiyak ni Paulo Angeles sa kakapalabas pa lamang na Maalaala Mo Kaya katambal si Barbie Imperial. Kami rin habang nanonood ay tulo-uhog kami lalo na sa eksenang namatay na si Barbie at nagda-dayalog siya na mala-Xian Lim sa movie niya noon with Vilma Santos, dahil ramdam na ramdam mo talaga ang sakit nang isang katulad niyang namatayan ng isang dyowa.

 

In control siya sa kanyang emosyon at hindi naging OA lalo na sa mga eksenang kailangan niyang mag-emote dahil ayaw pa niyang mamatay si Barbie.

 

Bongga rin ‘yung eksena nila ng kanilang eksena kung saan kinu-confront siya nito dahil katulad ni Barbie ay may sakit din siyang dapat alagaan, pero balewala ito sa kanya para lamang madamayan ang kanyang GF.
Pasado para sa karamihan ng netizen sa acting na ipinakita ni Paulo base sa mga naging reaksiyon ng mga ito sa social media.

 

Well, nakakatuwa naman ang ganito dahil sa panahon ngayon na naghahanap talaga tayo ng magagaling na aktor, happy na tayong malaman na meron at meron talagang lulutang sa mga baguhan ngayon sa showbiz.
 
Given more projects, siguro­ ay mahahasa pa rin siya nang husto at puwede na ring makipagsabayan kina Joshua Garcia, McCoy de Leon, at Jerome Ponce na isa sa itinutu­ring na magagaling na aktor sa Kapamilya network.
 
Bakit nga naman hindi, huh? 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy