Una sa Balita

Barbie nasisira ang araw ‘pag nakikita si JM

0 437

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyBuo at matatag pa rin ang desisyon ni Barbie Imperial na ayaw na niyang makasama pa sa trabaho si JM de Guzman. Sa panayam namin kay Barbie sa birthday ni Ara Mina sinabi ni Barbie na hindi pa niya kayang makaharap ang aktor.

May gagawin sana silang acting project pero hindi natuloy dahil hindi pa sila nagkakaayos. Nililinaw ni Barbie na hindi siya nagi-inarte at feeling sikat. Alam naman daw ng mga bos-sing ng ABSCBN 2 at Star Magic ang dahilan at pinag-ugatan ng away nila ni JM. Naiintindihan daw siya ng mga ito.

Hindi nga magawang patawarin ni Barbie si JM, dahil hindi rin naman daw ito humingi ng tawad. Ayaw nang pag-usapan ni Barbie ang nangyari, pero sinabi niya na nasaktan siya nang husto. Giit din ni Barbie na never naging sila ni JM.

Marami na raw ang nagtangkang ayu-sin sila ni JM, pero nabigo ang mga ito. Inamin din niya na nasisira ang araw niya kapag nakikita niya si JM.

Ara Mina humingi ng datung sa politiko

Speaking of Ara Mina, nagmistulang debutante ito sa kanyang 40th birthday party na ginanap sa Venue 142 Events Place, Katipunan QC. Ang bongga ng design ng birthday dahil 90% ay edible at totoo, gaya ng grapes, apples, bell pepper, flowers at iba pa. May pa-cotillion pa para kay Ara, kaya lumabas na debut talaga niya.

Ayon kay Ara, biglaan ang preparasyon ng kanyang party. At sa tulong ng kanyang mga kaibigan, naisagawa ito ng maganda.

Kinilig ang mga bisita sa mensahe sa kanya ng ex-boyfriend niyang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses. “My Loves” pa rin ang tawag ni Patrick kay Ara sa video greet nito, kaya inulan ng biro ang aktres. Pero ayon kay Ara, biruan lang nila `yon.

Inamin din ni Ara na datung ang regalo ni Patrick sa kanya. Sinabihan daw niya ito na huwag na siyang bigyan pa ng balloons, at pera na lang ang ibigay nito sa kanya.

Anyway, ngayon ay focus si Ara sa kanyang career at business lalo at kabubukas lang ng bagong franchise ng kanyang Hazelberry. Lalabas na rin ang kanyang make-up line para sa Ever Bilena.

Mga Pinoy filmmaker eeksena sa Cannes

Humigit-kumulang sa P2 million ang budget na inilaan ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) para sa mga Pinoy Film delegates na Marche du Film’s Cannes Producers Network, Cannes France.

Ayon kay FDCP Chair Liza Diño-Seguerra, ang upisina nila ang magbabayad ng airfare, all access badge at dime ng isa sa bawat representative ng delegado. Ayaw pakawalan ni Liza ang pagkakataong ma-showcase ng mga Pinoy filmmakers, lalo na ang mga producers sa ibinigay na importansya ng Cannes Film Festival sa Pinoy films, bilang Spotlight country.

Ayon pa kay Chairman, ang Filipino Film ang natatanging Asian film producers na nabigyan ng ganitong kalaking espasyo sa isa sa pinakamalaki at prestigious film festival abroad.

Sa nasabing spot, magkakaroon ng chance ang mga Pinoy filmmakers na mabili ng maraming film distributors ang kanilang pelikula, at makakuha ng co-production sa mga international film producers.

Binigyang halimbawa ni Liza sina Brillante Mendoza at Luv Diaz, na mabenta sa mga international film distributors pagkalabas pa lang ng kanilang obra.

Bukod sa ibang mga artista, kabilang din sa delegado ang APT Entertainment Inc.. Globe Studios, The IdeaFirst Company, Spring films, at Ten17P, at sasama rin ang ABS CBN Films bilang guest of honor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy