Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barbie na-stress sa lock in taping

0 75

Kinuwento ni Barbie Forteza na na-stress siya sa lock-in taping dahil sa pag-alala sa kanyang amang inoperahan.

Nangyari ito sa lock-in taping ng ‘Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday’ last year. Itinakbo sa ospital ang kanyang ama at hindi siya makaalis sa taping.

“’Yung tatay ko na never nagkasakit, kung kailan ako nag-lock-in taping na hindi puwede umuwi, at saka siya nangailangan magpa-opera sa appendix.

“Di ako maka-focus. Napaka-helpless ko. Wala ako magawa sa family ko,” sey ni Barbie.

Nahirapan daw ang pamilya niyang makahanap ng ospital na tatanggap sa ama niya dahil punuan ang mga ospital ng mga COVID-19 patients.

Pero noong mabalitaan si Barbie na may ospital nang tumanggap at maayos ang naging procedure ng kanyang ama, doon lang daw nakampante si Barbie at nakapagtrabaho na ito ng maayos.

Mapapanood si Barbie sa I Can See You: The Lookout with Christopher de Leon, Adrian Alandy and Paul Salas. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.