Una sa Balita

Barbie, Mika may relasyon?

0 621

Dahil sa role nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz sa “Kara Mia” na dahil sa klase ng pagiging kambal nila, e, talagang sila nga naman ang palaging magkasama.

Bukod pa sa talagang todo rin ang promotion ng “Kara Mia” na halos every weekend ay may mga mall shows at provincial tours.

Dahil daw sa pagiging close na talaga nina Barbie at Mika, wawarningan na raw ni Mika ang boyfriend ni Barbie.

Sey niya, “Sabi ko nga po ite-text ko na si Jak (Roberto), ‘Jak, ‘wag mong iiwan si Barbie sa akin baka kami magkatuluyan.’ Kasi kahit may mga regional shows na overnight, kami ‘yung magkasama sa kuwarto kaya sobrang close na namin.”

Nag-record na rin daw sina Barbie at Mika ng kanilang version ng original theme song ng “Kara Mia” na may pamagat na “Pag-ibig Mo.”

Very relatable raw ‘yung lyrics at nakakakilig ‘yung tono kaya for sure magugustuhan ng mga tao.

Malapit nang mapanood ang “Kara Mia” na nagba-viral na ang mga memes sa social media. Heard na ito ang papalit sa magtatapos na primetime series na “Cain at Abel.” (Rose Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy