Una sa Balita

Barbie may remedyo sa ‘dede’

0 425

Sa halip na mainis, idinaan na lang sa biro ni Barbie Imperial ang pamba-bash sa kanyang dibdib o tinatawag niyang “Dede”.

Sa kanyang Instagram posting ng snapshot ng kanyang pagsali sa ABS-CBN Ball 2019, patagilid ang pagkaka-anggulo ng katawan ng Kapamilya actress sa suot niyang off shoulder Filipiana gown.

Sa caption, sinabi niyang sinadya niyang gawing ganito ang anggulo sa photo shot para hindi na siya mapuna.

@msbarbieimperial: “Yung tinago ko nalang, para wala na silang masabi na hindi pantay.”

Lumabas na ang pasaring nito sa kanyang post ay ang mga bashers ng kanyang dede, nang mag-reply siya sa comment ng isang kaibigan na umamin rin sa hindi pagkakapantay ng kanyang dibdib.

@chiefelomeno: “Eh ako…ayaw ko na ituloy, AHAHAHA! Pero ikaw! Ang ganda mo”.

Tugon ni Barbie sa kanya: “@chiefilomeno, bat anlaki ng problema nila sa dede natin.”

Marami ang naka-relate sa post ni Barbie sa hindi pagkakapantay ng kanyang dede, at sinabing hindi naman talaga pantay ang dede ng mga tao, kaya huwag na nitong pansinin ang mga basher.

Naaliw ang kapwa niya Kapamilya star na si Sharlene San Pedro sa post ni Barbie at humanga ito sa pagiging witty ng kaibigan. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy