Una sa Balita

Barbie mabenta sa mga oldies

By
0 1,365

Kasabay ng pag-init ng mga tagpo sa hit afternoon series na Precious Hearts Romances presents Araw Gabi ay ang patuloy ring umiinit ang pagtangkilik ng mga manonood matapos makuha ng serye ang bago nitong all-time high national TV rating.

Base sa datos ng Kantar Media, pumalo ang serye sa national TV rating na 16.2% noong Miyerkoles (June 6) habang ang kalabang programa nito ay nagtala lang ng 12.9%.

Sa nasabing episode, inihayag ni Adrian (JM De Guzman) kay Mich (Barbie Imperial) ang pag-aalinlangan niya sa intensyon ni David (RK Bagatsing) sa dalaga. Nangako rin si Adrian na gagawin niya ang lahat para protektahan si Mich. 


Mas titindi pa nga ang mga tagpo sa pagdating ng isa pang bagong karakter, si Amanda, na gagampanan ni Ara Mina. Ano kaya ang magiging papel niya sa buhay nina Adrian at Mich? May kinalaman kaya siya sa El Paraiso?

Anyway, marami na ang nakakapansin sa tindi ng chemistry nina Barbie at JM, na iisipin mo ngang magdyowa na sila, base sa body language nila, ha! Ibang-iba ang himasan, yakapan, at titigan nilang dalawa, kahit off camera.

Lutang na lutang din ang lakas ng sex appeal ni Barbie. Si Barbie nga raw ang bagong pantasya ng mga may edad na kalalakihan. Kitang-kita raw kasi na sobrang sariwa ni Barbie, na kahit sino ay bet siyang­ tikman. (Dondon Sermino)